Ang websayt na itinanim na ngipin (dental implant) ay ginawa at isinulat ng isang Dentist para sa Dental Implant education. Ito ay may layuning ipaalam sa publiko ang mga bagay-bagay tungkol sa dental implants.
Ang itinanim na ngipin ay kilala sa english bilang dental implant. Ito ay karaniwang gawa sa titanium metal. Ang titanium ay isang uri ng metal na hindi nirereject ng katawan ng tao.
Ang dental implant ay madalas hugis turnilyo o pako, at ito'y ipinapasok sa ginawang butas sa buto. Matapos ang ilang buwan (karaniwan ay 6 na buwan) at nakaporma na ang buto sa paligid ng implant, ito ay magkakaroon na ng sapat na istabilidad. Isa na itong matibay na poste upang mapagkapitan ng pustiso o denture.
Ang pustiso na kakapit sa implant ay maaring de tanggal o nakakapit. Nakakapit na pustiso o kilala sa english bilang fixed denture ay hindi natatanggal ng pasyente. Habang ang de-tanggal na pustiso o kilala sa english bilang removable denture ay maaring tanggalin ng pasyente.
Kapag nalagyan ng dental implant ang pasyente, hindi nangangahulugang wala siyang pustiso o denture. Nakapustiso pa rin siya, ang kaibahan lang, dental implant ang kinakapitan ng denture imbes na ngipin.
Ang dental implant ay pwedeng pumigil sa pagnipis ng buto. Isang natural na pangyayari sa pagkabungi ang pagresorb ng buto sa lugar ng nabunutan. Kapag nalagyan ng implant, nahihinto ang pagresorb ng buto sa paligid ng implant.
Ano nga ba ang permanent denture?
Hindi nag-i-exist ang permanent denture. Ang pustiso ay dapat pinapalitan matapos ang ilang taon. Implant man o natural na ngipin ang sumusuporta dapat itong pinapalitan. Sa removable denture, pinapalitan ito tuwing tatlo hanggang limang taon. Sa fixed denture, pinapalitan ito tuwing lima hanggang pitong taon. Kapag ang isang pasyente, nagpumilit na isuot ang lumang pustiso (removable denture), bumubilis lang ang pagkaresorb ng buto niya. Sa fixed denture, kapag sumapit ang ikalima o pitong taon, mapapansin mong mala chalk na sa puti ang mga ngipin ng fixed denture. Madami nang crack at sigurado bakbak na ang mga paligid ng fixed denture. Isang natural na tendency ang pagkakaroon ng micro crack sa porcelain fused to metal bridge. Isa ito sa dahilan kung bakit nagbabago ang kulay ng fixed denture. Madami pang ibang dahilan pero sa madaling salita, dapat pinapalitan sa fixed denture paglipas ng ilang taon. Ang porcelain fused to metal bridge ang pinakasikat na uri ng definitive fixed denture.
Ano ang mas mura, pustiso o dental implants?
Depende sa plano mo at gusto mong mangyari. Kung gusto mo ng fixed denture, sigurado ang kakapitan nito ay ang mga katabing ngipin. Paano kung intact ang mga ngipin na katabi, papayag ka bang bawasan o tabasin ito para makapitan ng fixed bridge? Para sa akin, mas mahal ang natural na ngipin, wala itong kapantay. Kung implant ang gagamiting kapitan ng pustiso imbes na mga katabing ngipin, mas makakamura ka paglipas ng panahon. Hindi mo sigurado kung ano ang mangyayari sa natabas mong ngipin, mas mabuti pang hayaan silang intact at implant na lang ang gamiting pagkakapitan.
Isa pa, pababa ng pababa ang presyo ng dental implants. Darating ang panahon na isa na lang itong pangkaraniwang dental procedure. Magiging karaniwan na lang ito sa mga dental clinics sa buong mundo.
Para sa karagdagang imporamsyon tungkol sa Itinanim na Ngipin aka dental implants bisitahin ang website na ito: Cost of Dental Implants in the Philippines and other countries.
Salamat!
pwede pong malaman kung sino ang nagsulat nito? for thesis purposes only, thanks!
ReplyDeletePaano po ba ang procedure sa isang underbite? ano po ba ang mga paraan para maibalik ito. Ano ano po ang mga procedure na gagawin? At mga magkano po kaya ang magagasatos dito? Salamt po hihintayin ko po ang inyong tugon
ReplyDeletePwede po malaman saan na place at magkano po?
ReplyDeletemag kano po ang pa implant ng isang ngipin ngayon 2019
ReplyDeleteHi! Pede nyo din itry sa dentist ko yung dental implants. Visit his website - http://esteticomanila.com/
ReplyDeleteThe King Casino Archives - Hertzaman
ReplyDeleteThe novcasino King 바카라 사이트 Casino Archives, including news, articles, casino-roll.com videos, address, gaming info, The King Casino & herzamanindir.com/ Hotel in Henderson, NV is one of the newest hotels and 출장안마 motels on